Ireng ilang lawmakers mula sa House of Representatives (HoR) ang tunay na salot sa lipunan na garapalang sinusungkit ang pera ng bayan! Ganid ang mga halimaw na ‘to!!
Alam n’yo, mga padrino ko, ireng lawmakers ang nagdidikta sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kung sinong kontraktor ang gagawa ng mga proyektong kanilang pinopondohan. Sila ay kinatatakutan ng DPWH engineers kasi mayroon silang impluwensyang tanggalin sila sa kanilng juicy post. Tsk, tsk, tsk!
Ilan sa mga hindoropot na miyembro ng HoR ang mismong gumagawa ng mga kanilang proyektong popondohan. Yaon bagang contractor na congressman. Hanep!
Kaya binansagan silang “Congtractor” o ang congressman na kontraktor! Pare-pareho silang tumakbo sa kongreso hindi para makatulong sa mamamayan at bayan kundi para mangurakot sa kaban ng bayan! Sus, ginoo!!
Nais kaskasin ng mga mamamayan ang maskara nireng mga “Congtractor” para sila makilala ng publiko at nang hindi na iboboto sa susunod na eleksyon. At nais rin ng mamamayang nagmamahal sa bayan ang ilublob ang mga ito sa tubig-baha!
Ilubog!!!
xxx
Pumalag itong si DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, sa akusasyong sangkot siya sa maanomalyang P545-bilyon flood control projects, na kasalukuyang iniimstigahan nina President Ferdinand R. Marcos, Jr. at Secretary Manuel Bonoan.
Tila nagsasagawa din ng sariling imbestigayon ang Senate Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Sen. Rodante Marcoleta at HoR.
Sabi ni Usec. Bernardo ay naka-medical leave lamang siya hanggang Oktubre at hindi siya nahaharap sa ano mang kasong administratibo kaugnay ng sinasabing maanomalyang flood control projects. Nagpakita pa siya ng certification na inisyu ng Legal Division ng departamento.
Itong si Usec. Bernardo ang dating namamahala sa operation ng ilang regional offices ng DPWH at kasama rito ang Bulacan engineering districts na lumubog sab aha dahil na rin sa ghost flood control projects.
Dapat siyang magpaliwanag kay Sec. Bonoan kung bakit wala siyang kinalaman sa naturang maanomalyang flood control projects.
Pero hayaan muna natin siyang lubusang magpagaling at magpahinga.
Abangan!!!
xxx
Dapat imbestigahan din itong si ex-Sen. Grace Poe at ang kanyang anak na si Rep. Brian Poe Llamanzares, ng FPJ Panday Bayanihan Partylist.
Si Grace Poe, mga padrino ko, ay dating finance committee chairman ng Senado at kabilang sa bicam na tumalakay ng 2025 national budget.
At ayon sa mapagkakatiwalaang source, nabigyan daw ng bilyones mula sa naturang national budget ang lalawigan ng Pangasinan, sa pamamagitan nitong si Rep. Brian.
Alamin sa imbestigasyon kung totoong bumili ng bahay sa San Carlos City, Pangasinan, itong si Rep. Brian, matapos ma-release ang bilyones na budget ng lalawigan.
Alamin!!!
xxx
Hindi ko kilala itong isang nagngangalang Josefina Prado Rosario, ang sinasabing may-ari ng Eight J’S Construction Services, na may business address ng Brgy. Quintong, San Carlos City, Pangasinan, at nakakopo ng bilyones na halaga ng flood control projects sa Lungsod ng Maynila na lumubog sa baha dahil sa konting pagbuhos ng ulan kamakailan lamang.
Ang naturang korporasyon ay nakakopo rin ng flood control project noong taong 2023 sa Region IV-B na nagkakahalaga ng higit Php93-milyon. Wow, hanep!
Ayon sa source, ang kontraktor na ito ay malakas kay Janet Lim-Napoles, na kasalukuyang binubuno ang hatol ng hukuman sa kulungan dahil sa kasong graft and corruption.
Nagmula nga sa Barangay Mamarlao, San Carlos City, Pangasinan ang aking yumaong erpat, na si Atty. Eduardo G. Rosario, pero hindi namin kamag-anak o kakilala itong hindoropot na si Josefina Prado Rosario.
Alamin!!!
xxx
Binabati ko ang mga kasamahan kong newly-elected officers ng Knights of Columbus Council No. 9926, Sto. Niño de Molino Parish, Bahayang Pag-asa, Molino V, Bacoor City, Cavite, sa matagumpay na installation namin kamakailan.
Ang newly-elected officers ay sina Grand Knight Wlfredo Garcia, Deputy Grand Knight Virgilio Macaranas, Chancellor Eduardo Vela, Treasurer Vicente Espiraz, Financial Secretary Voltaire Cabral, Recorder David Jabon, Advocate Eduardo Rosario, Jr., Warden Ernesto Sunga, Outside Guard Edmond Almaden, Inside Guard Greg Gentozo, Lecturer Reynaldo Bantog, at Trustee ay sina Gerardo Saenz (1 year), Reynaldo Clarianes (2 years) at Alexander Guillermo (3years).
Vivat Jesus!
xxx
Para sa komentaryo: dodorosario@yahoo.com